Jake Cuenca, Kylie Versoza ipinagdiwang ang birthday ng kanilang 'baby Nuggie'

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2020 11:52 AM

MAYNILA — Ipinagdiwang kamakailan ng celebrity couple na sina Jake Cuenca at Kylie Versoza ang unang kaarawan ng kanilang aso na si Nuggie.

Nag-post ang dalawa sa kani-kanilang mga Instagram account ng mga retrato kasama si Nugget, isang bulldog, na nagdiwang umano ng kaarawan nito. Kita rin sa mga retrato ang mga lobo at cake para sa alaga.

Kasama rin sa mga retrato si Leo, ang poodle na alaga rin nina Cuenca at Versoza.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) on

"Thank you for bringing us so much joy and so much more chores to do," sabi ni Versoza sa caption.

"I can’t believe it’s already been a year with this guy," sabi naman ni Cuenca.

Kinumpirma noong Setyembre 2019 nina Cuenca at Versoza, na nagkasama sa seryeng "Los Bastardos," ang kanilang relasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.