'Iba Yan' binalikan ang mga kwentong nagbigay inspirasyon sa programa

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2020 09:21 PM

Mahigit isang buwan mula nang unang umera ang programa ni Angel Locsin na “Iba Yan,” maraming kwento na ang naibahagi nito na nagbigay inspirasyon sa maraming Pilipino.

Nakapagpakita ito ng mga istorya ng mga Pilipinong lumalaban hindi lang para sa kanilang sarili at pamilya kundi para din sa kanilang komunidad.

Sa pinakahuling episode nito ngayong Linggo, itinampok ng “Iba Yan” ang ilang mga bayani na nakilala mismo ni Locsin sa pamamagitan ng programa.

Kabilang na rito si Fr. Flavie Villanueva na kumakalinga sa mga taong walang tirahan.

Sa naturang episode, ipinakita kung paano pinagyayaman ni Fr. Flavie at ng mga kinalinga niya ang tulong at suporta na kanilang natamo mula sa “Iba Yan” at iba pang nag-abot ng tulong.

Ipinakita rin kung paano nila patuloy na binabago ang kanilang buhay, ganun din ang buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Narito ang kanilang kwento.

Watch more in iWant or TFC.tv