Rafael Rosell, balik-Kapamilya na

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2019 03:07 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Raf Rosell (@rafrafrosell) on

MANILA -- Nagbabalik-Kapamilya si Rafael Rosell matapos ang pitong taon.

Ngayong Hulyo, muling makikita si Rafael sa isang episode ng "Ipaglaban Mo" kasama si JM de Guzman. 

Ito ay ayon na rin sa inilabas na poster ng RSB Drama Unit.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RSB DRAMA UNIT (@rsbdramaunit) on

Tatalakayin sa nasabing episode ang kaso sa pamemeke ng mga dokumento.
 
Matatandaang sa Kapamilya network nagsimula ang karera ni Rafael na naging parte ng mga programang "Tabing Ilog," "Marina," at "Prinsesa ng Banyera."

Naging bida rin si Rafael sa ilang serye sa ABS-CBN kabilang na ang "Midnight Phantom" at "Kristine." 

Noong 2012, ginawa ni Rafael ang huli niyang Kapamilya teleserye na "Dahil sa Pag-Ibig." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.