PBB: Lie, umaming may crush kay Fumiya

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 11:53 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ng "Pinoy Big Brother Otso" housemate na si Lie Reposposa na may crush siya sa kapwa housemate na si Fumiya Sankai.

Inamin ni Lie ang kanyang nararamdaman sa isa pang housemate na si Yen Quirante nitong Miyerkoles matapos nilang tuluyang makabalik sa Bahay ni Kuya.

Nang makakita ng pagkakataon, nilapitan ni Lie si Fumiya sa hardin para mas lalo pa itong makilala.

Hindi rin ito nakalusot kay Yamyam Gucong, ang tinaguriang "spiritual brother" ni Fumiya.

Sa huli, isang paalala ang ibinigay ni Kuya kay Lie.

"Okay lang naman magka-crush, basta friends lang," ani Big Brother na sinang-ayunan naman ni Lie.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.