Andrea, may sweet birthday message para kay Seth

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 11:53 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- May sweet birthday message si Andrea Brillantes sa ka-love team na si Seth Fedelin.

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ni Andrea na natutuwa siya sa mga napagtagumpayan ni Seth sa kanyang pagpasok sa showbiz.

"Happy birthday to this soul full of sunshine, my favorite kaasaran, kakulitan and my buddy in everything. You never fail to put a smile on our faces. You came into my life unexpectedly and sobrang happy ako for you, ang dami mo nang na achieve! Sobrang nakaka-proud ka and you deserve it . Thank you for always caring for me, I’ll always be here for you no matter what happens," ani Andrea sa caption.

Ikinatuwa naman ng mga tagahanga at mga netizen ang post ni Andrea para kay Seth na nagdiwang ng kanyang ika-17 birthday noong Martes, Hulyo 9.

Magkasama sina Seth at Andrea sa sikat na seryeng "Kadenang Ginto" na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng "It's Showtime."

-- Umagang Kay Ganda, Hulyo 11, 2019