PatrolPH

Maxine, enjoy sa pagiging 'girlfriend' ni Empoy

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2018 12:09 PM

MANILA -- "Sobrang saya!" 

Ito ang mabilis na sagot ni Maxine Medina nang tanongin siya tungkol sa komedyanteng si Empoy Marquez na leading man niya sa pelikulang "Kusina Kings" na pinagbibidahan din ni Zanjoe Marudo.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Maxine na magaan katrabaho ang komedyante.

"Walang dull moments with him. Lagi kaming tawa ng tawa," ani Maxine na isa ngayon sa pinakaabalang beauty queen sa showbiz.

Una nang sumabak sa pag-arte si Maxine sa seryeng "Hanggang Saan" kung saan umani siya ng papuri mula sa mga manonood.

"Proud naman ako siyempre. Kasi na-surprise rin ako na mayroon akong ganitong talent at sobrang excited ako na i-share sa lahat ng tao na 'wow, kaya ko pa lang gawin ito," aniya. 

Sa "Kusina Kings," aminado si Maxine na hindi madali ang magpatawa.

"Mas homey 'yung comedy, as in sobrang light siya sa akin pero mahirap magpatawa. Ngayon ko lang na-realize. 'Yung drama since napag-praktisan ko na siya because of my cousin parang napi-feel ko kung paano. Nag-a-attend din ako ng workshops so alam ko na kung paano kontrolin 'yung emotions ko," ani Maxine.

Maliban sa "Kusina Kings" na ipapalabas sa Hulyo 25, sinabi rin ni Maxine na magkakaroon siya ng indie movie.

Aniya, ngayon ay dagdag na sa kanyang pangarap ang magkaroon din ng best actress award.

"Nasa dream ko na din po ngayon, one of my goals na rin," ani Maxine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.