Richard Yap, pinaalala na dapat laging handa

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 11:40 AM | Updated as of Jul 10 2020 12:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- "Nothing last forever."

Ito ang napatunayan ng aktor na si Richard Yap sa nangyayaring krisis dala ng pandemya.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi ni Yap ang kahalagahan ng pag-iipon at pagpapahalaga sa perang kinikita.

"Nakikita mo talaga na nothing last forever. Akala natin noong time na 'yon ay ang ganda na ng takbo ng buhay, pagkatapos biglang nawala," ani Yap.

"So we should also be ready for things like this," aniya.

Dagdag ng aktor importanteng laging maghanda at mapagplanuhan ang mga hindi inaasahang bagay tulad nga ng krisis na nangyayari ngayon.

"Hindi puwede na easy come, easy go tayo. We always have a plan for something like this kasi ang hirap ng buhay ngayon. Lahat ng negosyante tinamaan, lahat ng kompanya may losses, pagkatapos lahat ang daming walang trabaho. So tayo rin, like kami as employer gusto rin nating tulungan ang mga tao. So tinutulungan din natin ... pero there's a limit kung hanggang kailan lang natin kaya," ani Yap.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.