Maymay Entrata, abala sa pagpipinta nitong lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 01:09 PM | Updated as of Jul 10 2020 01:57 PM

MAYNILA -- Pagpipinta ang bagong pinagkaabalahan ni Maymay Entrata habang lockdown dala ng COVID-19 pandemic.

Sa panayam ni Maymay sa Monster RX 93.1 nitong Biyernes, unang beses na ipinakita ni Maymay ang kanyang painting.

Kuwento ni Maymay para siguraduhin na hindi siya muli makaranas ng anxiety ay kailangan niyang magkaroon nang pagkakaabahalahan gaya ng pagpipinta.
 
"Kasi nga alam ko sa sarili ko na may anxiety ako dati, tapos ayaw ko bumalik ulit 'yon. Ngayon kapag naiinip ako hindi ko nili-limit ang sarili ko na gawin 'yung mga hindi ko pa nagawa gaya nang pagpi-painting, workout. Kasi hindi ko nakasanayan 'yung pagwo-workout. At saka mas lalo ko pang naalagaan 'yung sarili ko, 'yung kalusugan ko kasi mahina ang immunity system ko kaya dito ko lang dito binuhos na maging healthy ako=. Itong quarantine na ito, ang dami kong natutunan," ani Maymay.
 
"Itong quarantine sabi ko parang gusto ko mag-painting pang-release ng negative energy kapag punong-puno ka na or papuntang stress ka na. So try ko ngang mag-painting. Nung nag-painting ako kahit hindi maganda pero nakakatulong siya kasi na-release ko ang emotion," paliwanag ni Maymay bago tuluyang ipinakita ang kanyang ipinintang puno.

Kuwento ni Maymay, kapayapaan at kalayaan ang ibig sabihin ng kanyang ipininta na ginawa niya sa loob ng apat na araw.

Ayon kay Maymay, plano pa niyang ipagpatuloy ang pagpipinta.

Nang matanong kung ibebenta ba niya ang kanyang likha, sagot ni Maymay: "Hindi. Sa bahay lang. Siguro sa pagtanda ko kapag marami na akong na paint, 'sa inyo na ito kung gusto niyong bilhin P30 lango.'"

Sa ngayon ay abala si Maymay sa kanyang bagong awitin na "I Love You 2" na alay niya sa ABS-CBN. Sinabi ni Maymay na nakatakda pa siyang maglabas ng bagong awitin.
 
Narito ang panayam ng Monster RX 93.1 kay Maymay tungkol sa kanyang painting.
 

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.