Kathryn Bernardo, sumali sa caravan para sa prangkisa ng ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 01:51 PM

MAYNILA -- Ipinakita ni Kathryn Bernardo ang kanyang suporta para sa ABS-CBN nitong Biyernes sa pagsali niya sa caravan para ipanawagan ang pagbibigay ng bagong prangkisa para sa Kapamilya network.

Sa Twitter, lumabas ang mga retrato at clip ni Kathryn na sasalil sa motorcade.

Gamit naman ang hashtag #WeAreOneKapamilya, trending ang muling pagbibigay ng suporta ng mga netizen sa Kapamilya network.

Ito rin ang naging tweet ni Kathryn sa kanyang mga tagahanga.

Maliban kay Kathryn, sumali rin sa caravan sina Angel Locsin, at mga empleyado at mga sumusuporta sa ABS-CBN para hilingin sa Kongreso ang bagong prangkisa.

Nitong Huwebes, Hulyo 9, ginanap sa Kamara ang "summation" ng 12 pagdinig ukol sa ABS-CBN franchise bills. 

Sa ngayon ay hinihintay na lang ang gagawing botohan para sa prangkisa ng Kapamilya network.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.