Gloc-9, sinabing 'di dapat ikahiya ang magbenta ngayong lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 02:17 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aristotle Pollisco (@glocdash9) on


MAYNILA -- "Walang dapat ikahiya."

Ito ang pahayag ni Gloc-9 ngayong maraming Pilipino, maging mga sikat na personalidad na gaya niya, ang pumasok na sa online selling o pagbebenta.

Nitong Huwebes sa Facebook, ibinahagi ni Gloc-9 ang tugon niya sa isang tagahangang nagsabi na hindi bagay sa kanya ang pagbebenta.

Ayon sa rapper, wala siyang nakikitang masama sa pagbebenta.

Gamit ang kanyang social media accounts, nagbebenta si Gloc-9 ng mga pagkaing Pinoy tulad ng dinuguan, menudo, bopis at pinritong manok.

"May nagtanong sa 'kin, 'Idol, bakit ka nagbebenta ng kung ano-ano? Hindi bagay sa 'yo.' Sabi ko sa kanya, 'Tol, wala namang masama siguro doon di ba? At alam mo ba na kasama sa trabaho ko noon bago ako mag-rap ay maglinis ng basurahan, kubeta at kanal?" ani Gloc-9 na nagpasikat ng mga awiting "Sirena," "Upuan" and "Simpleng Tao."

Paalala pa ni Gloc-9, sa panahon ngayon, kailangang lumaban para sa mga mahal sa buhay at walang dapat ikahiya kung marangal ang trabaho.

"Tandaan n'yo mga kababayan iba na ang panahon natin ngayon, kailangan nating lumaban para mabuhay para sa mga mahal natin. Wala kang dapat ikahiya kung ang trabaho mo ay marangal at wala kang tinatapakang kapwa mo. Kaya natin ito! Apir!!!" dagdag niya.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.