Mga pelikulang kalahok sa 2019 Cinemalaya, ipinakilala na

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 11:56 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ipinakilala na sa media ang official entries para sa 2019 Cinemalaya Independent Film festival ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ito na ang ika-15 taon ng prestigious indie film fest kaya espesyal ang 10 kalahok na full-length movie at 10 short film features.

Kasali sa full-length na pelikula ang "Tabon" na unang directorial assignment ng aktor na si Xian Lim.

Hindi itinago ni Xian ang kanyang kaba habang kasama sa stage ang mga iba pang filmmakers.
 
"It feels good. It feels great na nandito ako ngayon sa harapan ng maraming filmmakers, sa harapan ng CCP mismo for Cinemalaya. It's an overwhelming experience," ani Xian.
 
Malaking karangalan din kay Xian ngayon pa lang ang narating ng una niyang pelikula
 
"Iba ang pakiramdam ,sobrang fulfilling na umabot kami sa point na ito. So much hard work kasi ang involved sa paggawa ng pelikula and being here in front of everyone, sobrang sarap lang ng pakiramdam," ani Xian.
 
Si Iza Calzado naman, bida sa "Pandanggo sa Hukay." Gumaganap bilang isang simpleng midwife na bago sa kanyang acting career.
 
"Sabi ko nga ang goal ko lang dito is to try and make my performance this year different from my performance last year. Ganun lang kasimple. Buti nabiyayaan ako ng materyal na hindi ako sosyal," ani Iza.
 
Mapapanood ang Cinemalaya movies mula Agosot 7 hanggang Agosto 13 sa CCP at sa mga piling sinehan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.