Regine Velasquez, may mensahe tungkol sa susunod na eleksiyon

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2020 12:15 PM

MAYNILA -- Nanawagan si Regine Velasquez na ihalal ang mga kandidatong "totoong maglilingkod" sa susunod na eleksiyon sa 2022.

"Sa susunod pong eleksiyon nasa atin ang kapangyarihan na ihalal ang mga nararapat na taong [maglilingkod] sa taong bayan," ani Regine sa Twitter.

Kasama rin sa tweet ni Regine ang mga hashtags na #wehavethepower, #IbalikAngABSCBN at #KapamilyaForever.

Naibahagi ni Regine ang saloobin sa susunod na botohan sa gitna nang usapin tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN na ngayon ay nasa kamay na ng Kongreso.

Sa kanyang mga naunang post sa social media ay ipinakita ni Regine ang kanyang pagsuporta sa Kapamilya network.

Nagpasalamat din siya sa mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa ABS-CBN na binalikan niya noong 2018 matapos siyang pumirma ng kontrata.

Maliban kay Regine, ang kanyang asawang si Ogie Alcasid ay umapela na rin sa Kongreso na bigyan ng isa pang pagkakataon ang ABS-CBN.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.