Ngayong 18 na si Seth Fedelin, plano na ba niyang ligawan si Andrea Brillantes?

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2020 02:07 PM

MAYNILA -- Nagdiriwang ngayong Huwebes, Hunyo 9, ng kanyang ika-18 kaarawan ang aktor na si Seth Fedelin.

Sa vlog ng "The Gold Squad" kung saan kasama niya sina Kyle Echarri, Francine Diaz at Andrea Brillantes, ibinahagi ni Seth ang nakakakilig na plano ngayong nasa legal na siyang edad. 

"Liligawan ko na si Blythe," ani Seth bilang tugon sa tanong ni Kyle.

Pero bawi agad ni Seth, "Joke lang, joke lang. Alam niyo naman na palabiro ako. Hindi pa."

Sa nasabing vlog para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Seth, 18 facts tungkol sa kanyang buhay ang ibinahagi ng aktor.

Watch more in iWant or TFC.tv

Maliban sa pagiging mahiyain, ibinahagi ni Seth na minsan ay may pagiging makulit siya.

Samantala, nagbahagi rin si Andrea ng ilang bagay tungkol kay Seth. 

"Ito fact na talaga siya at isang statement na -- si Ali, gusto ko kasi malaman na nila lahat ito, it's a fact, hindi ko iiwan ang lalaking 'yan. Fact na 'yon," ani Andrea na ibinahagi rin ang kanyang hiling para sa kaarawan ni Seth.

"Ang wish ko lang sana ay hindi ka magbago kung paano ka bilang kaibigan, kung paano ka bilang isang anak at kung sino ka sana ay hindi ka magbago," ani Andrea. 

Matatandaang nagsimula sa showbiz si Seth nang sumali siya sa "Pinoy Big Brother."

Nabuo naman ang SethDrea o ang love team nina Seth at Andrea nang magkasama sila sa seryeng "Kadenang Ginto." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.