Karla, Jolina at Melai, nakiisa sa caravan para sa prangkisa ng ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2020 11:12 AM

MAYNILA -- Muling nagpakita ng kanilang pagmamahal at suporta sa ABS-CBN sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa pagsali nila sa caravan para ipanawagan ang pagbibigay ng bagong prangkisa para sa Kapamilya network.

Sa Instagram, ibinahagi ni Karla ang clip at larawan ng kanilang paghahanda para sa gagawing motorcade papuntang Kongreso, bago ang nakatakdang sesyon ukol sa prangkisa ng ABS-CBN.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

"Para sa lahat ng aming mga ka-momshies, mga ka-popshies at mga ka-anakshies!!! #WeActAsOne #yestoabscbnfranchise," ani Karla sa caption.

Maliban sa mga artista gaya ng tatlong host ng "Magandang Buhay," mga empleyado at ilang supporters ng Kapamilya network ang sumali sa caravan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.