Gerald at Bea, nagdiriwang ng kanilang ikatlong anibersaryo

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2019 12:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Tatlong taon nang magkarelasyon sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Dahil parehong abala sa kanilang mga karera, dito naitanong ng showbiz media kay Gerald kung ano ang plano nila ni Bea sa espesyal nilang araw.
 
"We'll see pero sobrang hectic talaga mg sched namin. Siya galing siya sa abroad. Ilang beses siya nag-abroad this year. Hanap tayo ng oras," ani Gerald.

Sa tatlong taon na inspirasyon ang isa't isa, maraming natutunan si Gerald kay Bea pagdating sa relasyon.
 
"Very mature siya pagdating sa ganun. Alam niya kung ano gusto niya," ani Gerald.
 
At sa muling pagsasama naman nina Bea at John Lloyd Cruz para sa isang endorsement, hiling ni Gerald na ituloy na ito sa isang pelikula.

Samantala, pinagkakaabalahan ngayon ni Gerald ang isang teleserye na tinawag niyang "dream project" dahil matagal na niya itong hiling na magampanan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.