Danilo Barrios, nanatiling bukas sa pagbabalik-showbiz

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2019 11:45 AM | Updated as of Jul 09 2019 12:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

 
MANILA -- Sa kanyang muling pagharap sa camera para magpa-interview, inamin ng dating Streetboys member na si Danilo Barrios na dumarating ang pagkakataon na nami-miss din niya ang buhay showbiz, matapos mag-focus sa pribadong buhay pamilya.

Kasunod ito ng kanyang paglabas sa Kapamilya sitcom na "Home Sweetie Home: Extra Sweet" kasama si Jhong Hilario.

"Nakaka-miss. Noong papunta ako rito (sa taping) maaga 'yung call time ko, hindi talaga ako nakatulog, sobrang excited ko siguro. Ang dami kong na pack na baggage (for shoot). Sabi, 'Boss, ito lang ang eksena mo.' 'Ah okay boss, magbabawas po ako.' At the same time, napakasarap ng feeling na makatungtong ulit sa ABS-CBN," ani Danilo.
 
At dahil tutok na sa kanyang personal na buhay, may mga pagkakataon na tumanggi rin siya sa mga alok na role sa kanya.
 
"Actually meron naman, lagi naman. Pero ang main kasi may business na tapos may mga bata nang maliliit. Kung isisiksik pa ang pag-taping, baka lalong mawalan ng oras para sa mga kids, lalo na ngayon na hating-hati talaga ang oras. Simula umaga hanggang pagtulog, nasa business. In between na 'yung mga bata," ani Danilo.
 
Pero ayon kay Danilo, nanatiling bukas ang kanyang puso sa muling pagbabalik showbiz.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.