Daniel Padilla, seloso nga ba?

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2019 01:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Aminado si Daniel Padilla na seloso siya, lalo na pagdating sa kanyang inang si Karla Estrada.

"Ang weird naman kasi kung hindi ka seloso. Parang normal naman na seloso ka dapat. Parang kung hindi ka nagseselos there's something wrong," paliwanag ni Daniel sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

"Minsan nawawala sa lugar (ang pagseselos ko). Nawawala talaga minsan sa lugar. Pero kailangan mong ma-realize 'yon," dagdag na pag-amin ni Daniel na nobyo ng aktres na si Kathryn Bernardo.

Nang matanong naman kung kinikilig ba siya kapag ang nobya namang si Kathryn ang nagseselos, tugon ni Daniel: "Minsan. Pero minsan natatakot na ako. Iba 'yung cute na selos lang. Pero I'd rather choose na mag-selos na lang siya sa akin. Mas masarap sa feeling, kasi feeling mo naman ang guwapo-guwapo mo rin kapag ganun."

Pagdating naman sa away, ibinahagi ni Daniel na mas gusto niyang resolbahin ang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng maayos na usapan.

"In general, ayaw ko ng kahit anong galit. Parang kahit anong galit, bad trip eh. May maingay na away na ayaw mo rin. Kapag tahimik na away naman, torture inside, nakaka-bad trip. Dumadaan lang 'yung oras na walang nangyayari. So might as well, ayusin na at ayusin ng tama. Parang hindi naman kailangang magsigawan, pwede naman nating ayusin sa maayos na usapan," ani Daniel.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.