Concert ni Lea Salonga sa Dubai sa 2020, inaabangan na

Rachel Salinel, ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2019 03:35 PM | Updated as of Jul 09 2019 03:54 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga) on

DUBAI -- Masayang kumalat ang balitang pagbabalik ni singer-actress Lea Salonga sa Dubai para mag-peform sa Dubai Opera sa susunod na taon.

Nakatakdang mag-concert si Salonga sa Marso 5-6, 2020.

Pero kahit na buwan ang bibilangin, excited na ang mga Filipino at maging mga dayuhan sa Dubai para dito.

Kasama na dito si Dia Fermazi, isa sa nag-repost ng announcement sa kaniyang Facebook account. 

“I can’t wait to see her especially after watching her last performance here,” sabi ni Fermazi.

Ganon din ang mag- inang si Sheryl Yap Escarez at 8-taong gulang na anak na si Sevrene Rainbow. 

Sabi ni Escarez, pinayuhan niya ang anak na ngayon pa lamang ay magdasal na para makabili ng ticket sa concert ni Salonga dahil pangarap daw ng batang makita itong mag-perform nang live.

Ayon naman sa Indianong si Krishanu Basu na excited din sa balita, “So what (if it is still in March 2020), I have waited for 40 odd years for it, so what’s another year and a half?”

Ang ticket ay maari nang mabili online sa halagang Dhs 250 o nasa mahigit P3,000 para sa Silver seating area hangang Dhs 440 o mahigit P6,000 para sa VIP ticket.

Kilala si Salonga sa kaniyang Tony Award-wining role sa "Miss Saigon" at sa pag-awit sa mga sikat na Disney movies tulad ng "Aladdin" at "Mulan."

”Lea Salonga gave two sold-out and amazing performances at Dubai Opera in 2017 and I am delighted she’s agreed to return in 2020 to once again thrill fans with her incredible talent,” ayon sa panayam ng Time Out Dubai sa chief executive ng Dubai Opera na si Jasper Hope. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.