Anne Curtis, gaganap bilang transman sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2019 12:32 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial) on

MANILA -- Bibida si Anne Curtis sa isang espesyal na episode ng "Maalaala Mo Kaya" (MMK) na nagdiriwang ngayon ng ika-28 anibersaryo.

Gagampanan ni Anne ang buhay ni Marrz, isang transman na naniwala at ipinaglaban ang karapatan ng mga miyembro ng LGBTQ+.

Sa direksiyon ni Barry Gonzalez, matutunghayan ang natatanging pagganap ni Anne sa "MMK" ngayong Sabado, Hulyo 13, pagkatapos ng "Idol Philippines."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.