Ronnie Alonte, ipinakita ang mga regalo ni Loisa sa kanya

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2018 11:35 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang cute na cute na "baby" ang ipinakilala ni Hashtag Ronnie Alonte sa kanyang mga tagahanga.

Sa "Rated K" nitong Linggo, ipinakilala ni Ronnie ang kanyang baby dog na si Ronda, isang 10-month old na English bulldog.

Ayon kay Ronnie, si Ronda ay regalo mula sa aktres na si Loisa Andalio.

Maliban sa isang aso, ipinakita rin ni Ronnie ang isa sa mga sapatos na galing din kay Loisa.

Nang matanong kung sila na nga ba ni Loisa, sagot ni Ronnie: "Nagbigay lang po ng sapatos. Bali ilang sapatos na rin po ang naibigay niya sa akin."

Pinakita ni Ronnie sa "Rated K" ang kanyang bahay at koleksiyong sapatos. Ipinakita rin niya ang kanyang bagong sasakyan.

Samantala, muli ring binalikan ni Ronnie kung paano siya nagsimula sa showbiz.

Bago pa mapasali sa grupong Hashtags ng "It's Showtime," kinakikiligan na si Ronnie bilang varsity player sa University of Perpetual Help sa Laguna.

Aniya, dalawang taon siyang naghintay bago makapasok sa "It's Showtime."

"Puro workshop ako, apat na workshop. Tapos biglang may nagsabi sa akin na mayroong grupo ngayon na ipapasok sa 'It's Showtime' bakit di mo i-try? After ilang buwan, ila-launch na ang Hashtags, nakapili na sila 10. One week before the launching, tinawagan ako, sabi pang-11 ka, kasama ka sa Hashtags. 'Yun na. Tuwang-tuwa ako," ani Ronnie.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.