PANOORIN: Daniel Padilla at Ian Veneracion, bagay na mag-concert?

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2019 01:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sa bihirang pagkakataon, nagsanib-puwersa ang magkaibigan na sina Daniel Padilla at Ian Veneracion sa pagpapakita ng kanilang hilig sa musika.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, inawit ng dalawa ang ilang linya mula sa awiting "Pare Ko" na pinasikat ng bandang Eraserheads.

Sa kanilang kantahan, si Ian ang tumugtog ng piyano, samantalang si Daniel ang nag-gitara.

"Pareho 'yung pinapakinggan namin old school," ani Ian na sumang-ayon sa suhestiyon ng ina ni Daniel na si Karla Estrada na dapat na silang mag-concert.

"Oo, dapat mag-concert na tayong dalawa, hindi ba?" ani Ian kay Daniel.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa programa, naging bukas sina Daniel at Ian sa kanilang matatag na pagkakaibigan na nagsimula noong gawin nila ang 2013 seryeng "Got To Believe." Pagkatapos ng "Got To Believe" muli silang nagkasama sa seryeng "Pangako Sa 'Yo" noong 2015.

"Nagkasama kami sa 'Got To Believe.' Mag-ama kami roon. Na-realize namin na pare-pareho ang kalokohan namin at kapilyuhan namin," ani Ian na pinapahalagahan ang pagiging totoo sa kanya ni Daniel.

"Every time na na magsho-shooting ay hindi kami nalulugmok dahil magkasama kami every time. Hindi kami nauubusan ng (kuwento)," ani Daniel na inaming malaking bagay para sa kanya na kaibigan niya ang kanyang kasama sa trabaho.

"Marami tayo sa showbiz na tinatawag na showbiz friends o taping friends. Kami, natapos na ang taping, hindi natapos ang pagkakaibigan namin ni Tito Ian. Pinupuntahan ko siya sa bahay niya lagi. Sarap din kasi ang dami kong nakukuhang advice from Tito Ian na talagang nakakatulong sa akin ...very productive ang samahan namin hindi lang puro laro," ani Daniel.

Maliban sa musika, pareho rin silang mahilig sa pagmomotorsiklo. Ayon kay Daniel, isa sa impluwensiya ni Ian sa kanyang buhay ay ang pagsubok sa outdoor activities.

"Napag-usapan niyo 'yung adventures ni Tito Ian. 'Yun na-impluwensiyahan niya ako roon ng konti pero hindi pa kasama ang skydiving kasi hindi ko pa kaya 'yon," ani Daniel.

"Hindi siya bad influence. Actually na-engganyo akong ma-enjoy ang outdoors lalo at sobrang na-discover ko na sobrang saya ng outdoors. Hindi ako mahilig (dati)," dagdag ni Daniel.

Pag-amin naman ni Ian, nakikita niya ang sarili kay Daniel.

"In a lot of ways, he reminds me of myself lalo na sa kapilyuhan. I mean 'yung kuwentuhan lang naman. Kung paano kami mag-isip parang swak na swak lang," ani Ian na ibinahagi kung ano ang hinahangaan niya sa kaibigang si Daniel.

"Yung pagiging responsible niya sa mga kapatid niya, sa mommy niya. 'Yun ang isang bagay na hinahangaan ko talaga sa kanya," ani Ian.

Dagdag din ni Ian, hindi lang si Daniel ang nabibigyan niya ng payo, maging siya ay nabibigyan din ng payo ng huli.

"Ako humihingi rin ako ng advice sa kanya. Kapag may mga bagay na gusto kong makita ng mas malinaw, kinukuwento ko sa kanya tapos he has a different way of looking things also. So mas nalilinawan ako sa mga bagay-bagay," ani Ian.

Maliban sa maaring magkasama sila sa isang concert, nais din ng dalawa na magkasama sila sa isang pelikula.

"Movie siguro ang gusto naming magawa. Ano ba ang gusto natin, sci-fi ang gusto natin, eh ano?" tanong ni Daniel kay Ian.

"Medyo sci-fi pero hindi naman puma-far out something different. ...Hindi naman kapag sinabing sci-fi ay alien agad. It's science-fiction, so time travel baka puwedeng ganoon," dagdag ni Daniel.