Angeline Quinto, inalala ang mga naunang trabaho

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2019 11:32 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on


 
MAYNILA -- Binalikan ng mang-aawit na si Angeline Quinto ang kanyang gig noong panahong wala pa siya sa showbiz.

Kuwento ni Angeline sa caption ng kanyang lumang retrato na ibinahagi niya sa Instagram, ito ay noong panahong kumakanta siya sa mga kasal at debut para sa P2,500 na bayad.

"'Pag mababait at natutuwa ang mga kinakantahan ko, may pa-take out pa na pagkain pag-uwi ko," ani Angeline.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.