Natapos ni Ronnie Liang ang military training niya Pebrero noong 2020 sa Armor “Pambato” Division sa Tarlac. Handout photo
Nagbigay-pugay sa mga sundalong nasawi at nasugatan sa C-130 plane crash sa Sulu ang mang-aawit at Army reservist na si Ronnie Liang sa pamamagitan ng isang kanta tungkol sa kanilang kagitingan.
Sa kaniyang Facebook account, inilabas ni Liang ang video habang inaawit ang kantang “Awit Kawal” na isinulat nina Lt. Gen. Edilbero Adan at George Canseco.
“We will not forget them. Lahat ng mga nagawa nila para sa ating bayan, ay habambuhay nating ipagpapasalamat sa kanila. At isa ang kanta kong ito para pasalamatan ko sila,” ani Liang.
“Sharing with you the song that I have recorded titled “Awit Kawal,” as my personal tribute to all of our brave soldiers: the Fallen & the wounded who boarded the C130 Plane that crashed in Sulu.”
Hindi bababa sa 53 katao ang nasawi sa pagbagsak ng military aircraft na may 96 na sakay, karamihan ay mga bagong Army graduates.
Iniaalay din aniya ito sa iba pang miyembro ng hukbong sandatahan ng bansa na patuloy na nagseserbisyo sa bayan.
“This goes as well to all the men and women in uniform performing their duties for our country in the name of peace & liberty. Thank you for all of your sacrifices & service for our country,” pahayag ng singer.
Noong nakaraang taon, ibinahagi na ni Liang ang mensahe ng “Awit Kawal” sa huling panayam sa ABS-CBN News kung saan sinabi nitong paalala ito sa kabutihang ambag ng militar sa bayan.
“‘Awit Kawal’ is so touching. Kung sakaling nakakalimutan na ng mundo ang mga mabubuting nagagawa ng army, this song will remind us all na Philippine Army is doing great job. Handang lumaban sa kahit anong laban,” ani Liang.
Kasunod ito ng pagkamatay ng apat na sundalo sa Sulu rin noong nakaraang taon matapos ang madugong engkuwentro sa pulisya.
Natapos ni Liang ang military training niya Pebrero noong 2020 sa Armor “Pambato” Division sa Tarlac.
Related videos:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.