Maja Salvador, may hiling sa Kongreso

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 11:13 AM

MANILA -- Hiling ng aktres na si Maja Salvador sa Kongreso na sana ay mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa Instagram, ibinahagi ni Maja ang suporta sa lahat ng mga apektado ng krisis na hinaharap ngayon ng Kapamilya network. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

"Dasal ko po na sana mabigyan ng panibagong prangkisa ang aming pangalawang tahanan. Dasal ko din na patibayin niyo po at mas bigyan ng lakas ang aking mga Kapamilya at kaibigan sa industriya. Hindi po madali ang pinagdadaanan nating lahat, huwag po tayong sumuko, Kapamilya," ani Maja.

"Sa ating mga congressmen, isa po ako sa mga Kapamilya na nakikiusap na sana po bigyan niyo po ng panibagong pagkakataon ang ABS-CBN. Pagkakataon na araw-araw natin ibinibigay sa ating mga sarili para itama ang ating mga pagkakamali," ani Maja.

Dagdag ng aktres: "Sa ating mga pinuno, sana po ay pagbigyan niyo ang aming hiling, dinggin niyo ang aming pakiusap. Nananalangin po kami na sana po mag-YES kayo sa renewal ng prangkisa ng aming minamahal na ABS-CBN. Hindi man po perpekto pero marami din pong naidulot na maganda sa mga Pilipino na tulad ko. Maraming salamat po," ani Maja na gamit ang mga hastag na #VoteYestoABSCBN, #StayStrongKapamilya at #PrayforPH."

Nitong Lunes, muling humarap ang ilang mga opisyal ng ABS-CBN sa ika-12 na araw ng pagdinig ng Kamara. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.