Paolo Bediones, may psoriasis

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2017 06:31 PM

 

Ibinunyag ng TV host na si Paolo Bediones na mayroon siyang psoriasis.

Sa kanyang Facebook post nitong Hulyo 5, sinabi ni Bediones na itinago niya ang kondisyon sa loob ng matagal na panahon.

Ipinaliwanag niya rin sa naturang post ang nararanasan dahil sa pagkakaroon ng ganitong kondisyon. 

"I HAVE PSORIASIS. Don't worry, it's a non-communicable skin disorder. It is NOT CONTAGIOUS. It's a painful, chronic disease characterized by incessant itching and scratching. Occasional bleeding and scabbing. Reddening of the skin and flaking. It's not pretty for sure, but I have been hiding it well," ayon kay Bediones. 

Ibinahagi rin ni Bediones sa kanyang post ang hinaing ng higit dalawang milyong kapwa may psoriasis sa loob ng bansa.

"More than 2 million of my KABALAT in the country suffer the daily plight of flare-ups that are mild to severe, that happen during bouts of stress and heat, and sometimes it's caused by the food we eat. Some have even perished from the ordeal.”

“Everyday we have to mentally prepare ourselves before we go out into the world. Each one of us insecure, knowing someone will notice the discolored patch of skin or the white flakes. Knowing someone would like to ask about it, but feel uncomfortable doing so. Ask us about it and we will gladly share with you.”

Hiningi naman ni Bediones ang suporta ng publiko para sa mga may psoriasis, at pinayuhan ang ilang nakararanas ng sintomas na magpatingin sa doktor.

"If you, a family member, or a friend share these symptoms, look up Psor Phil and please see a specialist and learn about the various forms of treatment that exists. If you know anyone with psoriasis, hug them. If you see me on the street, hug me," ayon kay Bediones. 

Bukod kay Bediones, nakararanas din ng kondisyong ito ang reality TV star na si Kim Kardashian at ang singer na si Britney Spears. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.