Wacky Kiray, hindi napigilang umiyak dahil sa mensahe ng ina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Showbiz
Wacky Kiray, hindi napigilang umiyak dahil sa mensahe ng ina

ABS-CBN News
Published Jul 06, 2020 11:43 AM PHT
MAYNILA -- Hindi napigilan ni Wacky Kiray ang maging emosyonal matapos marinig ang mensahe ng pasasalamat, pagmamahal at suporta mula sa kanyang ina sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.

Ayon kay Wacky, miss na miss na niya na mayakap ang ina. Paliwanag niya, hindi niya ito magawa bilang pag-iingat dahil sa banta ng COVID-19 lalo't may sakit ang ina.

"Napuntahan ko sila kasi anniversary nila, gusto ko silang yakapin, binati ko sila ng 50 years, golden anniversary nila. Hindi ba nagkasakit ang nanay ko, nakita ko 'yung ipinayat niya. Una kasi namanas siya, tapos pumayat, tapos alam mo 'yon noong nakita ko siya gusto kong yakapin," kuwento ng komedyante.

Para sa kanyang ina, pangako ni Wacky sa sarili na magtrabaho para may maitulong.
Para sa kanyang ina, pangako ni Wacky sa sarili na magtrabaho para may maitulong.
ADVERTISEMENT
"Sabi ko magtatrabaho ako nang magtatrabaho para sa kanila, hindi ako mapapagod, hanggang mayroon akong ipon, itutulong ko sa kanila, hanggang sa dulo nang walang hanggan tutulong at tutulong ako sa kanila. Nagpapakapagod ako para sa kanila ito, sa pamilya ko at sa mga mahal ko sa buhay," ani Wacky.

Dahil sa krisis, aminado si Wack na nabawasan ang naibibigay niyang tulong sa ina lalo't nagsara rin ang mga comedy bar. Pero nauunawaan naman daw ng kanyang ina at mga mahal sa buhay ang sitwasyon na hinaharap niya ngayon.

"Ang message ko kay nanay at tatay ay maging healthy kayo, pray lang kayo. Kaya natin ito. Mahal na mahal namin kayo. Nandito lang kaming mga anak niyo," mensahe ng komedyante sa kanyang mga magulang.