Alex Gonzaga, nagpasalamat na kasama ang mga magulang nitong lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2020 02:35 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

MAYNILA -- Ipinagpapasalamat ni Alex Gonzaga na kasama niya ang mga magulang nitong lockdown dahil sa banta ng COVID-19 lalo't na engaged na siya.

"Okay naman 'yung quarantine namin. Siguro naging way ito para siyempre for the longest time lagi kang umaalis dahil may work ka so ngayon mas naging close ka sa parents mo, sa bahay mo. Na-observe mo kung ano ang mga hindi mo napapansin," ani Alex sa online show na "Rise and Shine" nitong Lunes.

"At the same time, siyempre alam niyo naman na engaged na ako. Parang ito 'yung parang last moments in my singleness na kasama ko ang parents ko at nae-enjoy ko talaga," dagdag niya.

Sa gitna ng krisis, malaki ang pasasalamat ni Alex sa mga biyayang natatanggap. Sa ngayon ay abala si Alex sa paggawa ng content bilang vlogger. 

"Marami pa rin tayong trabaho. Kahit na nandito sa bahay, mayroon ka pa ring kailangang i-post. We are very blessed ngayon as entertainers na kahit na nangyari itong sitwasyon na ito ay mayroon tayong kanya-kanyang platform at mayroong internet para at least may chance pa rin tayong maka-connect sa ating supporters. At the same time ay puwede pa rin tayong magkaroon ng income kasi nga puwede pa rin tayong makapagtrabaho," ani Alex.

"At least hindi ba nagkakaroon tayo ng way kahit paano magkaroon ng income and makatulong rin tayo. We are blessed, so we should be a blessing to other people also," dagdag ng aktres.

Isa si Alex sa pinakasikat na celebrity vlogger. Mayroon nang higit 7 milyon ang subscribers ng aktres sa YouTube mula noong magsimula siya may tatlong taon na ang nakakaraan.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.