'Love, iuwi na lang kita': Sarah G, naawa sa pinagdaanan ni Matteo

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 01:17 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

MANILA -- Ibinahagi ni Matteo Guidicelli na may pagkakataong tila naawa sa kanya ang nobyang si Sarah Geronimo habang nagsasanay siya bilang scout ranger reservist.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, naikuwento ni Matteo ang tagpo noong minsang dumalaw sa kanya ang nobya.

"She visited me one time. Nakita niya 'yung tent namin doon. 'Yung tent namin kasama ko, 'yung isang buddy ko, ang pangalan niya si Cañete, taga-PMA, buddy ko 'yon. Ganito lang [kaliit], dito ako, diyan siya. Tapos 'yung gamit namin, tapos nasa sahig kami," aniya.

"Nakita ni Sarah 'yung tent ko. Sabi niya, 'Love, iuwi na lang kita, please. Huwag na tayo dito,'" dagdag niya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Matteo, suportado ni Sarah ang pagpasok niya sa Army Reserve Force sa kabila ng kanyang nasaksihan. 

"Minsan sinasabi ko kay Sarah, 'Love, hindi ka ba naaawa sa akin?' [Sagot niya] 'Eh gusto mo na 'yan,'" aniya.

"I asked her permission. Sinabi ko I will be responsible, I will be safe."

Nito lamang nakaraang buwan ay natapos ni Matteo ang 30 araw na pagsasanay bilang scout ranger reservist sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

Sa kanyang pagtatapos, naroon ang kanyang mga magulang at nobyang si Sarah.

Pinasok ni Matteo ang Army Reserve Command noong Abril para ipakita ang pagmamahal niya sa bayan.
 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.