Liza Soberano, hindi agad nakilala si Enrique Gil matapos sumailalim sa surgery

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 01:52 PM | Updated as of Jul 05 2019 04:30 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

MANILA -- Muling sumailalim sa operasyon si Liza Soberano para sa na-injure nitong daliri.

Sa Instagram, inilabas ng kasama ni Liza na si Jonilyn Castillo-Pillarina ang video kung saan kita ang aktres na kagagaling lamang sa surgery.

Sa video na ni-repost ng fans, kita ang tila hindi pagkakakilala ni Liza kay Enrique.

"Who are you?" tanong ni Liza kay Enrique na sumagot naman ng: "It's me, Quen."

Una nang bumitiw sa pagiging "Darna" si Liza dahil na rin sa problema niya sa kanyang daliri na nakuha niya habang ginagawa ang seryeng "Bagani."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.