Documentary ni Cherry Pie Picache, muntik nang di matuloy

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 12:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bago pa man ang special screening ng documentary na "Radical Love" na kuwento ng pagpapatawad ni Cherry Pie Picache sa pumaslang sa kanyang ina limang taon na ang nakakaraan, hindi na mapigilan ang mga luha at emosyon ng aktres.

Bago mapanood ang docu, nagsalita si Cherry Pie at nagpasalamat sa lahat ng tumulong at hindi bumitiw sa kanilang pamilya at sa kanilang mahirap na pinagdaanan.

Pagkatapos ng screening, naikuwento niya na muntik nang hindi matapos ang docu project dahil sa hirap ng emosyon at muling balikan ang bawat detalye ng pangyayari.
 
"Kasi talaga noong una, I was hesitant and scared. I was really scared to open up 'yung story namin this way, and to open up what I was going through this way. Ngayon parang medyo relieved ako, getting all the reactions from people," aniya.
 
Napatawad na ni Cherry Pie si Michael Flores na pumaslang sa kanyang ina, pero hindi pa ganito ang nararamdaman ng mga kapatid ng aktres na kanya namang naiintindihan.
 
"Well it's unfortunate that my two ates are not here because they are in the States. They haven't had the chance to see it. Magkakaiba kasi eh. And my brother, after watching the docu, hopefully changes his mind. Kasi he mentioned nga na iba siya, iba ako," aniya. 
 
At ano ba ang nagpagaan ng kalooban ni Cherry Pie limang taon matapos mawala ang inang si Zenaida Sison? 

Ito ang bahagi ng mahalagang panalangin: "When we say Our Father, Our Father, kapag may nangyari sa iyo lahat talaga ng words mo talagang you really mean it. So doon ako natauhan sa, 'forgive us our sins as we forgive others.' Parang oo nga naman."
 
Mapapanood ang "Radical Love" sa Linggo, July 7, sa Sunday's Best."
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.