100 Pinoy, sasabak sa 'talent Olympics'

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2018 11:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasa 100 talentadong Pinoy mula sa iba't ibang panig ng bansa ang sasabak sa 2018 World Championship of Performing Arts (WCOPA).

Idaraos ngayong Hulyo sa Long Beach, California sa Amerika ang WCOPA, na pandaigdigang timpalak para sa mga artista, mang-aawit, musiko, mananayaw, at modelo.

May 50 bansa ang makakaharap ng Pilipinas sa binansagang "talent Olympics."

Isa sa mga magsisilbing kinatawan ng bansa ang prinsipeng Manobo na si Datu Agong, na kauna-unahang katutubong sasali sa WCOPA.

"Isang patunay na hindi hadlang ang pagiging nakatira ka sa bundok, kung saan, ano propesyon mo. Kung may talento ka, ipakita mo," aniya.

Nakakuha naman ng suporta ang mga delegado mula kay WCOPA hall of famer Jed Madela, na ipinagmamalaki ang husay ng mga Pinoy.

"This year, of course, nakaka-pressure kasi in the past years, we have been a forerunner, a frontrunner sa pagpapanalo lagi sa WCOPA," ani Madela.

Umaasa rin ang mga delegadong Pinoy na makahahakot ng awards gaya ng ginawa ng mga Pinoy sa WCOPA noong nakaraang taon.

--Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.