PatrolPH

Madam Inutz, emosyonal dahil sa suporta ng mga anak sa bago niyang pag-ibig

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2022 02:15 PM

MAYNILA -- Hindi napigilan ng dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ang maging emosyonal nang maibahagi sa "Magandang Buhay" nitong Lunes ang suporta ng mga anak sa kanyang bagong pag-ibig na si Edward "Tantan" Tan.

Kuwento ni Lopez, tinanong niya ang mga anak kung puwede ba niyang maging nobyo si Tan.

Watch more News on iWantTFC

"One time ipinakilala ko siya sa magulang ko, sa mga anak ko. Sabi ko, 'nak okay lang ba si Tantan na maging boyfriend ko?' Ang sagot sa akin ng mga anak ko, 'oo naman, Mama.' Kumbaga naaano ako, kasi sabi sa akin ng panganay ko, 'panahon mo naman para sumaya.' Naiyak tuloy ako," ani Lopez.

Suportado rin ng mga magulang ni Lopez ang kanyang bagong relasyon.

"Mababait (mga anak ko). Kumbaga kasi nakita rin naman nila 'yung sakripisyo. Pati mga magulang ko, sinabi rin ng tatay ko, 'kung saan ka sasaya anak, susuportahan ka namin.' At sinabihan din siya na huwag mong lolokohin ang anak ko kasi, kawawa naman. ... Kumbaga siyempre deserve ko naman sumaya," ani Lopez.

Sa programa, naging sorpresa para sa viral live-seller ang pagdating sa studio ni Tan na iginit ang pagmamahal sa baguhang aktres.

Sa nakaraang vlog ni Lopez, ipinakilala at ipinagtanggol nito ang nobyo sa iba't ibang paratang. 

"Hindi po tayo gumagastos sa lalaki, nagkataon lang mayroon kaming similarity, parehas kaming single [parent]. ...Mas maganda siguro kung tatanggalin natin 'yung panghuhusga sa kapwa," giit ni Madam Inutz sa kanyang vlog bilang tugon sa paratang na pera lang ang habol sa kanya ng nobyo.

Sa vlog, itinanggi rin ni Tan ang bintang na gagamitin lang niya si Lopez para sumikat.

Kaugnay na videos:

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.