PatrolPH

Angeline Quinto nagbigay ng motor, kotse sa dating nobyo

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2021 01:48 PM

Angeline Quinto nagbigay ng motor, kotse sa dating nobyo 1
Retrato: Instagram/@loveangelinequinto

Ibinahagi ng mang-aawit at aktres na si Angeline Quinto na minsan na siyang nakapagbigay ng motorsiklo at saskayan sa dating nobyo.

Ikinuwento ito ni Quinto sa bagong video na ini-upload sa kaniyang YouTube channel, kung saan sumagot siya ng tanong tungkol sa kaniyang love life.

Sa naturang video, sinabi ni Quinto na likas ang pagiging mapagbigay niya, nang tanungin kung nagpautang na ba siya sa "jowa."

"Nakasanayan nila (deretsong kumuha sa wallet ko) kasi alam niyo naman ako 'di ba? Mapagbigay akong tao. Sabi ko nga sa inyo, hangga't may maibibigay akong tulong. Siyempre jowa ko pa, siyempre 'pag jowa niyo, mahal ninyo," ani Quinto.

"Hindi na siya nagpapaalam minsan. Kuha lang siya nang kuha pero hinahayaan ko eh. Binigyan ko pa nga ng motor... nakapagbigay ako ng motor, saskayan," dagdag niya.

Watch more on iWantTFC

Pabiro pang sinabi ni Quinto, na ngayo'y single, na baka sa susunod ay bahay na ang ibigay niya sa nobyo.

Sa parehong video, tinanong din si Quinto kung may naging boyfriend siyang isang action star.

Hindi naman deretsahang sinagot ni Quinto ang tanong pero ikinuwento niyang, "Muntik ako makipagsapakan sa babae para lang sa action star na 'yan."

Ikinuwento rin ni Quinto ang itinuturing niyang "worst date" kung saan pumunta sila ng ka-date sa mamahaling restaurant at siya ang pinagbayad.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.