PANOORIN: Kathryn Bernardo ipinakita kung paano nakamit ang ‘quaran-toned’ body

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2020 07:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Ibinahagi ng aktres na si Kathryn Bernardo kung paano niya nakamit ang kaniyang aniya'y "quaran-toned" na katawan habang naka-lockdown. 

Sa kaniyang YouTube channel ipinakita ni Bernardo kung paano niya gawin ang kaniyang daily workout sa tulong ng kaniyang fitness trainers. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Ipinakita ni Bernardo kung paano magsagawa ng core exercise pati na ang mga planks at sit-ups. 

Ayon kay Bernardo, simula noong lockdown ay naging tutok siya sa pag-eehersisyo. 

Umabot na sa 40,000 ang views ng kaniyang video, na in-upload Biyernes. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.