Taping ng blind auditions sa 'The Voice Kids' umarangkada na

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 08:46 PM | Updated as of Jul 04 2019 09:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Makalipas ang 2 taon, nagbabalik sina Bamboo, Lea Salonga at Sarah Geronimo bilang mga coach sa ikaapat na season ng "The Voice Kids."

Umarangkada na ang taping ng blind auditions at nagulat umano ang mga coach sa ipinakita ng mga bata.

"Mas diverse nga 'yong mga boses ng mga bata ngayon, 'yong genre na kinakanta din nila," ani Geronimo.

"It's about the unpredictability na di namin alam mangyayari sa mga bata," ani Bamboo.

"Kids that are watching, they kind of know what we're expecting," ani Salonga.

Ipinagmalaki rin ng mga coach ang narating ng kanilang mga alagang teens at kids gaya nina Darren Espanto, Elha Nympha, Esang de Torres, Lyca Gairanod, Kyle Echarri, at Juan Karlos Labajo.

Magugunitang naging big hit ang kantang "Buwan" ni Labajo.

"I'm very proud and very surprised, what he did with 'Buwan'," ani Bamboo.

"'Yon naman po talaga 'yong goal ng show. Para matupad 'yong pangarap ng mga pumapasok dito," ani Geronimo.

Bukod sa bagong bihis ng kanilang set at surprising performances ng mga bata, may 2 bagong pakulo ngayong season.

Una rito ang "steal" at ikalawa ang kapangyarihan ng mga coach na magpasya kung ilang kid artists ang gusto nila sa teams.

Mag-uumpisa ang "The Voice Kids" pagkatapos ng unang season ng "Idol Philippines."

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.