Sylvia Sanchez, inaming 'girl crush' niya si Angel Aquino

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 12:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi matatawaran ang pagkakaibigan nina Sylvia Sanchez at Angel Aquino na tumagal na ng halos dalawang dekada.

Sa panayam ng dalawa sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, naging bukas ang dalawa sa pagbabahagi tungkol sa kanilang samahan.

Nag-umpisa ang pagkakaibigan nila sa paggawa nila ng seryeng "Recuerdo de Amor" noong 2001, pero mas pinatibay ang kanilang samahan noong magkatrabaho ulit sila sa 2013 seryeng "Apoy Sa Dagat."

"Before 'Recuerdo' sobra na akong nagagandahan sa kanya. Sabi ko talaga 'wow ito 'yung girl crush ko.' Siya at si Amy Austria ang gustong-gusto kong girl na ang gaganda di ba. Tapos nung nagka-show kami, tawagan-tawagan, pero hindi kami labas ng labas. After noon nagka-show ulit kami 'Apoy sa Dagat,' nag-reconnect kami, tapos start na 'yon," ani Sylvia.

"Tapos doon namin na-prove na, o magkaibigan pala tayo. Alam mo 'yun, you've got each other's back sa kahit anong bagay off the set, on the set. Alam mong 'ako ang bahala sa iyo,'" ani Angel.

Ayon kay Angel, marami siyang mga bagay na natutunan kay Sylvia.

"Kasi nakita ko siya, wala siyang pakialam sa ibang tao. That's actually what I admired about her, 'yung pagiging frank niya at walang filter. Wala siyang pakialam. This is my life. I want to live it that way I want to live it dahil ang consequences naman nito ay sa akin lahat babagsak. Parang ganun 'yung philosophy niya. From then on, parang mas naging kumportable ako sa sarili ko, sa choices ko, kasi ako rin ang magsa-suffer if I chose wrong. So 'yun I think ang pinakamalaking take home ko with my friendship kay Ibiang," ani Angel.

Para naman kay Sylvia, hinahangaan niya ang pagiging natural at mabait ni Angel.

"Si Angel kasi walang pakialam. Alam mo 'yung napakanatural niya. What you see is what you get. Napakabait niyang tao. Napakasimple niya at wala siyang pakialam. Ayaw niyang makapanakit ng tao pero sa kanya, buhay ko ito. So doon kami nagki-click dalawa," ani Sylvia.

Tila susi naman ng magandang samahan ng dalawa ang matinding suportang ibinibigay nila sa isa't isa.

"Ang maganda sa aming dalawa, hindi kami nagkaka-insecure-an sa career, sa buhay namin. Hindi kami nagkakainggitan, nagtutulungan kami. 'Yun ang hinahangaan ko kay Angelita na kapag mayroon akong pinortray na maganda, magte-text siya, 'Ang galing mo, Ibiang.' Ganun din ako sa iyo 'Angelita, ang ganda mo, ang galing-galing mo,'" ani Sylvia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.