'PBB Otso': Wealand Ferrer, pasok na sa Big 4

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 11:48 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pasok na si Wealand Ferrer sa Batch 4 Adult Big 4 ng "Pinoy Big Brother: Otso."

Nitong Miyerkoles, matapos manalo sa isa sa pinakamahirap na pagsubok na ibinigay ni Kuya sa mga housemates, tuluyan nang nakuha ni Wealand ang puwesto bilang parte ng Big 4.

"Kasi alam ko po ibinigay ko ang best ko sa pangalawang pagkakataon, tapos Big Jump pa po. Kung anuman ang resulta ay walang pagsisisi dahil alam kong ibinigay ko ang best ko," ani Wealand.

Nauna nang nakapasok sa Big 4 ang adult housemate na si Akie, matapos nitong maipanalo ang unang Big Jump challenge.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.