Francine at Kyle, maaari bang magkatuluyan?

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 01:59 PM | Updated as of Jul 04 2019 02:23 PM

MANILA -- Bukas si Kyle Echarri kung sakali mauwi sa totohanan ang love team nila ni Francine Diaz na kasama niya sikat na seryeng "Kadenang Ginto."

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, inamin ni Kyle at maging ni Francine na may posibilidad na mauwi sa pag-iibigan ang kanilang samahan.

"Siguro. Kasi halos araw-araw kaming nagkikita so baka, hindi natin masasabi," ani Francine.

"Oo, may chance," hirit naman ni Kyle.

Napuno rin ng hiyawan ang studio nang tanungin sila kung may namumuo na bang feelings sa kanilang dalawa.

"Baka po. Siguro, hindi natin masasabi. Medyo bata pa kami. Pero sa ngayon nadadala po ako sa mga eksena so baka in the future," pag-amin ni Kyle.

Mapapanood ang tambalan nina Francine at Kyle sa "Kadenang Ginto" mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "It's Showtime."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.