Gerald, miyembro na ng Coast Guard Auxiliary

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2016 05:16 PM

MANILA – Nag-volunteer ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson, ang kanyang kapatid na si Ken at ang kanilang amang si Randy bilang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary.

Isang simpleng seremonya ang naganap Lunes ng umaga nang manumpa silang tatlo sa PCG headquarters.

Ipapagamit ng aktor sa PCG ang kanyang mga K9 units para sa kanilang search and rescue operations.

Photo from DZMM twitter page
Photo from DZMM twitter page
Photo from DZMM twitter page

Bukod dito, makakatulong din si Gerald sa community service at marine environmental protection activities ng PCG.

Maliban sa pagiging bagong miyempre ng PCG Auxiliary, kasalukuyang abala ang aktor sa shooting ng bagong pelikula ng Star Cinema na pinamagatang “How To Be Yours.”

Makakatambal niya rito si Bea Alonzo, na dati niyang nakarelasyon. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Dan Villegas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.