Morissette balik-bansa matapos ang international projects

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 07:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Balik-bansa ang Kapamilya singer na si Morissette Amon matapos ang magkasunod na international projects.

Ayon kay Amon, laking tuwa niya sa mga natanggap na proyekto, kabilang ang pagkanta para sa pelikulang "Aladdin."

Pinuri si Amon ng bida sa pelikula na si Will Smith at ang composer ng "A Whole New World" theme song na si Allan Menken. Maging ang original singer ng kanta na si Lea Salonga ay aprub sa bersiyon ni Amon.

"Just to be able to give my own twist and represent the country in a classic... I'm just really, really grateful," ani Amon sa panayam ng ABS-CBN News.

Mula singing, co-hosting, at mentoring duties naman ang ginawa ni Amon kasama ang legendary singer na si Michael Bolton sa ikalawang season ng "Bolt of Talent."

"It's a new experience just getting to mentor, to co-host," ani Amon.

"It's challenging pero it's nice to be able to relate to the contestants kasi ako mismo, galing ako sa singing competition," dagdag niya.

Sabik naman umano si Amon na bumalik sa studio at mag-record ng bagong orihinal na musika, lalo pa at naghahanda na siya sa isang malaking pagdiriwang para sa ika-10 taong anibersaryo niya sa show business.

"Hopefully I'll be able to do something big," ani Amon. --Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.