'More to come': Andre at Lou, nagdiwang ng ikatlong 'monthsary'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 11:41 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

 
MANILA -- Going strong sa kanilang third monthsary ang "Pinoy Big Brother" celebrities na sina Lou Yanong at Andre Brouillette na mas kilala bilang LouDre.
 
Kuwento ni Lou at Andre na espesyal na bisita sa 2019 Piña Festival, mas nakilala nila ang isa't isa bilang couple.
 
"So quickly. Hindi namin namalayan na sobrang dami na pala ang nangyari, which is, I think, a good thing," ani Lou,

"Three months down and more to come," Andre.

Inamin din nila na mayroon din silang hindi pagkakaintindihan.

"Nagtatampuhan din pala kami. It's not an argument; it's a cute argument, small things," ani Lou.

"I trust her, I love her, it's okay. Pero I mean it just to joke her," hirit ni Andre.

At dahil unti-unti na nilang nakikilala ang isa't isa at mas marami nang nakapaligid sa kanilang relasyon, naitanong din kung dumarating din ba sa kanilang relasyon ang selosan.

"Mga cute na selos lang. I trust him and I know na he wouldn't do anything to hurt me," ani Lou.

"One thing I noticed about with our relationship is that when we're apart, there were days we're not together, I really do miss her talaga and I worry about her. That's why we update each other when we are out," ani Andre.
 
Sa ngayon, naghahanda na ang LouDre tandem sa nalalapit nilang pagbabalik sa loob ng bahay ni Kuya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.