KathNiel, nagbigay ng donasyon sa Manila City Pound

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 07:52 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nag-donate ng mga kulungan ng aso sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Manila City Pound.

Sa Facebook page ng Manila Public Information Office, pinasalamatan nila ang KathNiel sa pag-donate nila ng 10 kulungan ng aso. 

 

Kilala sina Kathryn at Daniel na mahilig sa mga aso.

Sa katunayan may isang Instagram account si Kathryn kung saan makikita naman ang retrato ng kanyang pet dogs.


-- Umagang Kay Ganda, Hulyo 3, 2019