Bagong awitin ni Janine Teñosa, tampok sa pelikulang 'Indak' nina Nadine at Sam

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 11:43 AM

MANILA -- Matapos ang "Di Na Muli," isang bagong awitin ang ibabahagi ni Janine Teñosa para sa pelikulang "Indak" na pagbibidahan naman ni Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Sa pagbisita ni Janine sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Janine ang kasiyahan na mapakinggan ang kanyang bagong awitin na "Hindi Tayo Puwede" sa inaabangang pelikula, na mapapanood na sa mga sinehan simula Agosto 7.

"Nakakatuwa po at nabigyan na naman ako ng opportunity na makakanta sa isa na namang napakagandang movie which is 'Indak.' Sobrang grateful lang po talaga," ani Janine.

"Sana po pakinggan niyo rin 'yan sa Spotify, iTunes and YouTube," aniya.

Para sa mga manonood ng UKG, inawit ng live ni Janine ang "Hindi Tayo Puwede."

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.