Libo-libong Pinoy, nakisaya sa 'ASAP in Honolulu'

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2018 08:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Libo-libong Pinoy ang nagtungo sa Neal Blaisdell Arena sa Honolulu, Hawaii para matunghayang magtanghal ang kanilang paboritong Kapamilya stars sa "ASAP in Honolulu."

Ilan lang sa higit 30 artistang kasama sa Hawaii show noong Sabado sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Robi Domingo, Kim Chiu, Bela Padilla, Maja Salvador, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Martin Nievera, at Darren Espanto.

Pero hindi lang mga iniidolong artista ang pinuntahan ng mga Pinoy dahil lumahok din sila sa mga pakulo ng The Filipino Channel (TFC) gaya ng mga larong Pinoy, kantahan, sayawan at iba pa.

"Hawaii is a very important piece of TFC's history. As you know, it was in Hawaii that TFC first got carried on a cable system," ani TFC North and Latin America managing director Jun Del Rosario.

"If it weren't for Hawaii, TFC wouldn't have had its start," dagdag ni Del Rosario.

Ito ang ikapitong beses na dinala ng TFC Live sa ibang bansa ang "ASAP."

--Ulat ni Henni Espinosa, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.