Cholo Barretto, sinabing si Ryza na ang kanyang 'the one'

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2018 12:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Para kay Cholo Barretto, ang nobyang si Ryza Cenon na ang "the one."

Sa pagbisita nila sa "Magandang Buhay" nitong Martes, inamin ni Cholo na alam na niyang si Ryza ang nais niyang makatuluyan.

"Idinarasal ko na sana ako 'yung maging perpekto o at least kahit paano close to perfect para sa kanya. Hindi ko na ipinagdarasal na 'Lord, siya na para sa akin.' Kasi ako mismo, gusto ko siya na," ani Cholo.

Si Ryza naman ipinagdarasal rin na si Cholo na ang kanyang maging huling pag-ibig.
 
Pag-amin din ng dalawa, pinag-uusapan na nila ang kasal.

"Normal naman po 'yon sa relasyon na pinag-uusapan 'yung mga ganoon," ani Ryza.

Sa huli, ibinahagi ng magkasintahan ang pangako nila na maging matatag at tapat sa isa't isa.

"Ako, sinabi ko sa kanya before na hindi ako magsasawa pero nagsasawa ako minsan, siguro sa pagod din, sa work, minsan napapasok 'yon. Sinabi ko sa kanya na aalagaan ko siya. Nandito lang ako," ani Ryza.

Nito lamang Mayo sa pagbisita ni Ryza sa "Magandang Buhay," sinabi ni Ryza na ipinagmalalaki niyang maging kasintahan ni Pocholo na nakilala niya sa unang indie film na kanyang ginawa.

Sa ngayon ay parte si Ryza ng seryeng "Ang Probinsyano," samantalang parte naman si Pocholo ng "Since I Found You."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.