PatrolPH

Francine Diaz, Seth Fedelin bibida sa bagong music video

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2022 09:01 PM

Larawan mula sa Sony Music Philippines Twitter account.
Larawan mula sa Sony Music Philippines Twitter account.

MAYNILA — Bibida sa isang music video ang "Kadenang Ginto" stars na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Sa isang anunsiyo nitong Biyernes ng Sony Music Philippines, ang dalawang stars ang bibida sa kanta ni Ace Banzuelo.

Sa teaser para sa "Muli" music video, makikitang nakaakbay si Fedelin kay Diaz sa isang earth-tone inspired shoot.

Wala pang ibinibigay na ibang detalye ang Sony Music Philippines kung kailan lalabas ang music video. 

Nakatakdang magsama sina Diaz at Fedelin sa upcoming ABS-CBN series na "Dirty Linen."

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.