PatrolPH

#KapamilyaForever: Anne Curtis nangakong babalik sa 'It's Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2021 08:47 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Sa harap ng mga tanong ng fans tungkol sa kanyang karir, tiniyak ni Anne Curtis na magbabalik siya sa "It's Showtime" sa tamang panahon.

Ayon sa original host ng programa, dapat kumalma lang ang madlang pipol sa gitna ng mga espekulasyon sa paggawa niya ng bagong pelikula.

"Babalik pa ako sa It's Showtime so kalma lang madlang peeps!!!!" aniya.

Mula pa nang ilunsad noong 2009, poste na ng It's Showtime si Curtis.

Disyembre 2019 nang mag-maternity leave muna ang actress-host para tutukan noon ang pagbubuntis sa anak niyang si Dahlia.

Consistent din si Curtis sa pahayag ng katapatan sa ABS-CBN mula pa noong mawalan ito ng prangkisa.

Sumabay pa ang pahayag ni Curtis sa #KapamilyaForever na nag-number 1 trending topic sa Twitter Philippines at nag-trending din worldwide.

Pahayag ito ng suporta ng Kapamilya fans na nangakong hinding-hindi iiwan ang ABS-CBN sa gitna ng krisis.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.