Bianca Gonzalez: 'Ang daming hate sa mundo'

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2020 11:48 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sa gitna nang mga hindi magagandang nangyayari, naniniwala ang Kapamilya host na si Bianca Gonzalez na mabigat ang responsibilidad ngayon ng mga magulang na tulad niya.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ipinaliwanag ni Bianca na maliban sa COVID-19, mas nakakatakot ang galit at kaguluhan na nangyayari ngayon na nakikita ng mga bata.

Para kay Bianca, responsibilidad ng mga magulang na turaan ng magandang pag-uugali ang mga bata.

"I think now ramdam natin 'yung word na 'yan, responsibility natin as a parent, hindi lang sa kalusugan at safety ng mga anak natin... I think we all feel na sa mundo ngayon parang ang daming tension, ang daming hate," ani Bianca.

"So for me 'yung health kaya pa nga nating gawin 'yung best natin at protektahan ang sarili, but the real scary pandemic out there is parang ang daming hate sa mundo and your bigger kids see it online. For me 'yun ang realization ko as a parent. Grabe 'yung responsibility natin na palakihin sila ng mabuti, bigyan sila ng mabuting values para paglabas nila into a harsh world ay kaya nila at hindi rin sila magpapakain sa hate. 'Yung gagawin pa rin nila kung ano ang mabuti sa mundo," dagdag ni Bianca.

Pagdating naman sa pandemya, aminado siya na ang takot naman ay nanggagaling dahil wala pang bakuna o lunas.
 
"I think lahat tayo natakot, kasi hindi ba sinasabi nila na nakakatakot 'yung COVID kasi nga bago, hindi pa natin masyadong alam, wala pa tayong alam na gamot or vaccine para dito. So 'yun naman 'yung nakakatakot, 'yung hindi mo alam," ani Bianca.