PBB: Kiara, nagulat sa inihandang dinner date ni Gino

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2019 11:41 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang romantic dinner date ang sorpresang ibinigay ng "Pinoy Big Brother Otso" batch 2 adult housemate na si Gino Roque IV sa kapwa housemate nito na si Kiara Takahashi.

Nitong Lunes, ipinalabas na ang nakakakilig na dinner date ng dalawa.

Matatandaang dumaan muna sa isang pagsubok si Gino para makuha ang mga kailangan niya para sa kanilang date.

Maliban sa hapunan, isang kuwintas din ang ibinigay ni Gino para kay Kiara na crush na niya sa unang linggo pa lang pananatili niya sa Bahay ni Kuya.

"This necklace for you sana it will take you back to this night. Sana you will remember me because I have a lot of feelings for you, because I want to move forward from this. I really see us, hopefully going somewhere. 'Di ko alam kung nandito pa ako next week, pero whatever happens I don't want any regrets," ani Gino.

"If you have feelings for me take it, but if you don't it's okay. I don't want to pressure you," dagdag ni Gino.

Sa huli, nag-desisyon si Kiara na tanggapin ang kuwintas mula kay Gino.

"Hindi ko akalain na ganitong mangyayari inside, I believe there's reason also na nagkakilala tayo, so bina-value ko lahat and I really appreciate everything," ani Kiara.

Nitong Linggo lang ay naganap na ang tuluyang paglabas ni Gino sa Bahay ni Kuya matapos siyang ma-evict kasama ang isa pang housemate na si Sky Quizon.

Sa kanyang pamamaalam kay Kiara, isang pangako ang kanyang binitiwan sa dalaga.

"I will wait for you," ani Gino kay Kiara.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.