PatrolPH

KILALANIN: Christine Bermas, bagong bida sa 'Scorpio Nights'

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2022 12:45 PM

KILALANIN: Christine Bermas, bagong bida sa 'Scorpio Nights'

MAYNILA -- Sa pangatlong pagkakataon, isinapelikula muli ang klasikong obra ni Peque Gallaga na "Scorpio Nights."

Kasunod nina Anna Marie Gutierrez at Joyce Jimenez, ang Viva artist na si Christine Bermas ang napili sa role ng babaeng naipit sa isang love triangle.

Watch more News on iWantTFC

Ani Bermas, na sumikat sa online bold movies tulad ng “Siklo” at “Island of Desire” nung kasagsagan ng pandemya, updated na rin ang orihinal na 1985 pelikula kung saan siya gaganap na sexy online host. 

“Happy ako na ako ang napili, “ sabi ni Bermas sa ABS-CBN News. "Nung una may kaba ako pero nilabanan ko 'yon. Hindi na ako pumalag sa tindi ng mga eksena. Tiwala naman ako kay direktor Lawrence Fajardo," dagdag ng Palawenyang aktres sa kanyang biggest break. 

Para sa inspirasyon, mas sinundan ni Bermas ang original 1985 movie nina Gutierrez at Daniel Fernando kaysa sa 1999 version nina Jimenez at Albert Martinez. "Nag-create lang ng sarili kong character para maiba, pero andun pa rin 'yung pagiging manipulative ng character." 

Kasama ni Bermas sa "Scorpio Nights" na magsisimula sa Vivamax online sa July 29 sina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.